Tara, gawa tayo ng tunay na pagbabago.

Hindi ka namin pipilitin.

May pasok ka? May priorities ka? Gets namin 'yan. Volunteer ka kung kailan ka free.

Ikaw ang bida sa sariling mong komunidad.

May idea ka sa project na makakatulong sa lugar n'yo? Puwede mong simulan 'yan — kami ang bahala sa suporta at pondo.

May kwento ang bawat proyekto.

Iva-vlog (with consent) ang kwento sa likod ng bawat proyekto upang mas makilala ang maliliit na komunidad sa Pilipinas.

1. Mag-sign up.

Sasagot ka lang sa Google form at pagkatapos ay padadalhan ka ng orientation invite at link sa Discord server.

2. Mag-training.

Simple, libre, at madali. Ito ay required para maging official volunteer para ready ka sa kahit na anong role — team member man o project lead.

3. Sumali o mag propose ng project.

Pwede kang tumulong sa iba o magpropose ng sarili mong project.

4. Kolektahin ang brooches.

Para 'tong badge system sa Girl Scouts — pero ang ibibigay sa volunteers ay brooch pins at ang basehan ay ang UN Sustainable Development Goals.

5. Kuwento natin, kita natin.

Bawat proyekto ay may katumbas na vlog na ipopost sa Youtube at irerepurpose sa Facebook, Instagram, at Tiktok. Ang kita mula sa content ay pondo para sa next project.

Tara, sali ka.

Walang bayad. Walang pressure. Kung gusto mong tumulong, matuto, at maging parte ng kwentong may layunin— ikaw ang hinahanap namin.

© Youth G. All rights reserved. 2025.

IMPORTANT: CALL FOR BOARD OF DIRECTORS

Kung ikaw ay interesado, magsumite ng iyong resume sa [email protected].

Salamat, Ka-Youth G! ANG MEMBERSHIP DRIVE AY MAGSISIMULA SA HUNYO (JUNE).

Nareceive na namin ang mensahe mo — ayos! Sa Hunyo (June), i-check mo ang email mo (at pati na rin ang spam o promotions folder, just in case) para sa susunod na steps. Excited na kaming makilala ka. Tara, gawin nating makabuluhan ang pagiging kabataan!